Ano ba

So kanina, March 26, monthsary namin ng boyfriend ko. Ginawan ko sya ng ~*video*~ para sa 3rd monthsary namin. First time kong ginawa yun sa isang lalaki sa tanangbuhay ko at sa tingin ko, deserving sya para dun. Hahaha wat. Pakiramdam ko first boyfriend ko sya. Oo ganun, kahit na napakarami ng lalaking dumating sa buhay ko wahaha kapal. Ayon nga pota ang landi ko masyado huhucrey:(

Seryoso na…

Sakanya lang ako naging sobrang masaya. Ayokong ikumpara sya sa mga ex ko pero sobrang sobra talagang naiiba sya. Nagsisisi ako na hindi ko pa sya minahal nung unang dalawang buwan namin. Pinagtripan ko lang sya kahit hindi naman ako kagandahan. Sinaktan ko sya kasi wala akong pakialam sa nararamdaman nya. Hinahanap ko lang sya kapag bored ako. Pero heto, andito pa rin sya sa tabi ko. At eto ako ngayon, sobrang minamahal sya. Nagffeeling maganda dahil tinatrato nya akong prinsesa. At masyado na rin akong affected sa kung ano mang mga iniisip nya o kahit anong nararamdaman nya. At gusto ko palagi ko na syang kasama. Yea, CLINGY AS FUCK.

Ayokong gawing masyadong kadaldalan tong post na to. Gusto ko lang talagang ipangalandakan sainyong sobrang mahal ko sya. Wala akong pakialam kung hindi sya pogi, hindi rin naman ako maganda. Wala akong pakialam kung hindi sya mayaman, kahit ako rin naman. Haha. Basta putangina mahal na mahal ko sya. Mahal na mahal.

Sobrang kinikilig ako dahil palagi nyang pinapanuod yung video. As in, paulit-ulit. Nakakatuwa. Nakakaloka. Alam nyo yuuuuuuuun. Ugh ang landi ko bye.

0 notes, March 26, 2012

Blitz

Bwisit na bingo sa fb oo, napakaalat. Daig pa ang tubig dagat, ampucha.

1 note, March 19, 2012

Hindi ko alam kung lasing ba talaga ako katulad ng sinasabi nila o masyado lang talaga akong emosyonal ngayong araw. Ayokong sabihin na halo-halong badtrip ang nangyari kanina kahit dalawa lang naman ang nagpakulo sa dugo ko, yung iba kasi sadyang napasaya ako eh.

Hindi ko rin alam kung papaano to ikekwento ng maayos to dito sa post na to ngayon para kapag binasa ko na to sa hinaharap e maliwanagan ako kung anoba talaga ang mga nangyari sa saktong oras na sobrang naiyak na lang akong bigla at napahalakhak pagkatapos.

Alam mo yung feeling na may hadlang sa nagiisang kasiyahan mo? Ayaw na ayaw ko yun. Kahit pa maging kapamilya, besprend o presidente ng pilipinas e hindi ko papayagang pigilan akong maging masaya lalo na’t alam ko sa sarili kong wala akong ginagawang mali at hindi ako nakakatapak ng paa o mukha ng mga tao sa paligid ko. Sabihin na nating hindi pinapahalatang hinihiwalay na ako sa taong mahal ko kahit sobra naman ang pagpapahiwatig na ganun mismo ang gusto nilang mangyari, uber i kent teyk it enimorz!

Kanina, nung pinagwalkoutan ko ang nanay ko (na palagi ko namang ginagawa bukod sa sumagot dahil isa akongnapakawalanghiyang anak) sinundan ako nung tinitibok ng puso ko. Yung nanay kokasi masyadong TH, at yung mahal ko naman e masyadong ewan. Ayoko na tong pahabain… nagwalkout ako kasi ayaw ko yung mga iniisip nya tungkol samin. So… yun, sinundan nga ako ni Louie diba? Super pinapalayo ko na sya dun sa place-to-be ko paramagawa ko na yung humagulgol dahil sa inis kasi hindi ako nakasapak ng tao kahit sobrang nagdidilim na yung paningin ko. Badtrip talaga! 

Pero nakakatuwa dahil imbis na sundin nya ako, niyakap nya lang ako ng mahigpit. Kahit na parang pusa ko na sya kung palayasin, nanatili pa rin sya dun sa tabi ko… nakikinerbyos. Kung umalis siguro sya, iiyak ako ng iiyak hanggat maging okay ako pero hindi… hindi sya umalis. Hindi nga kasi paulit ulit e no!? Hahahaha. Lahat ng bagay na magpapatawa sakin, sinabi nya. nagawa nya pang magkwento ng kung ano-ano mapahalakhak lang ako. Uhm.. basta. Ayun. Mahal na mahal ko talaga sya at ramdam kong gaun din sya sakin. Napakaswerte ko sakanya, pramis. Nakakatuwa na nakakatawa dahil pareho kaming abnoy. Iyak tawa ako habang sya nagbubudoy-budoyan. Ang sweet debah. Ang korni ko magkwento pero nakakakilig talaga kapag sa personal. Hihihi. Aun lang. Nawalana ko sa punto ko. Napairal ko kalandian ko eh. Hihi. 
Geh. 

0 notes, March 13, 2012

“Your mom went outside, and she will not comeback anymore!”

beben-eleben:

Reblogged from beben-eleben, 499 notes, March 13, 2012

Libreng footlong. Tanginang nyan. Kulang nalang magkandarapa ako dahil sa kakiligan eh. Inlab na nga talaga ako. Nung una, pinipigilan ko pang mahulog sakanya ng todo-todo pero ptangina, yung sosorpresahin ako ng pagkain? DA BEZ! Mahal ko na talaga sya. Bwahahaha. Tara o, meryenda tayo. :) 

0 notes, March 10, 2012

Prom. Kasama ko mga kaklase ko nung highschool at mga kupal na schoolmates na sobra kong kinamumuhian dahil sa mga kaartehan. Ang gaganda ng mga damit nila. napakaganda rin ng venue. Nagsisimula palang yung program so nagsasalita sa likod namin yung pinakamasipag magaral naming kaklaseng babae. Ang pangit ng damit nya, parang pangtula. Nakuha ko pang manglait sabay tingin sa damit ko. ASDFHJKL!!!! Nakauniform lang ako! Nakalimutan kong magsuot ng gown at hills pati rin magdala ng camera. Panic mode: on. Putanginaaaa. Nagtanong ako sa mga kaklaseko kung may mga load ba sila. At katulad ng inaasahan ko, wala silang mga load. Mga punyemasz! Saglit akong umalis at nagpaalam mag-cr pero sabahay agad ako nagpunta. Paguwi ko sa bahay, tinanong ko agad kung nasan yung camera ng pinsan ko, nakacharge daw. Tapos, pinaglinis na ako ng bahay. May pinakilalang batang kyot sakin. Para akong nasa probinsya, nasa bundok, malayo, tapos may mga chocolate hills. Inaya o yung bata dun. Nung lalabas na kami sa pinto, may mga dumating na lalaking studyante na bisita ng isa naming teacher. Hindi ko alam kung bakit sila nasa bahay, pero hindi ko na naisip yun dahil ang pogi nung isa. Tapos hindi ko na maalala. Hindi ko na rin alam kung bakit hindi ako nakabalik sa prom. 

Kakagising ko lang mula sa isang saktong tulog. Napakabongga ng panaginip ko. 

0 notes, February 29, 2012

Kung nagaaral pa ko at kaklase kita, okay lang magaral ng magaral at walang recess. Basta wag lang tayo magbreak. :)

Kung nagaaral pa ko at kaklase kita, okay lang magaral ng magaral at walang recess. Basta wag lang tayo magbreak. :)

0 notes, February 27, 2012

Hindi ko talaga gusto kapag magoopen ang nanay ko ng topic tungkol sa pera at kung gaano kawalangya para sakanya ang tatay ko. Naiirita ako. Naiintindihan ko naman kasi na hiwalay na sila, syempre may responsibilidad ang tatay ko na magbigay ng sustento para sakanya at sa kapatid ko. Pero napakalaki na ng sampung libo kada linggo, hindi ba? Nagtataka lang ako kung bakit kung makareact ang nanay ko kapag hindi sya nabibigyan eh parang napakahirap ng sitwasyon nya. Na parang wala syang naipon. Hindi naman sa kumakampi ako sa tatay ko pero naaawa lang talaga ako kasi hindi naman nagtatae ng pera ang tatay ko eh. Hindi nya pinupulot yung pera na ibibigay nya sa nanay ko para hindi lang sya makarinig ng masasakit na salita mula dito. 

Alam kong masama ang loob ng nanay ko sa tatay ko dahil… well, totoong gago naman talaga yon. Pero hindi sya naging masamang ama saming magkakapatid. Masamang asawa siguro oo, dahil nagawa nyang mambabae ng mambabae na talaga nga namang nakasakit ng todo sa nanay ko. 

Ayoko na makialam sa problema nila kasi una, sawang sawa na ako. Oo, anak ako at involved ako talaga pero para saan? Hindi naman matatapos ang problema kung puro nalang bangayan.

Pareho ko silang mahal pero tangina, ayoko na dahil sa pera mamumura ko sila pareho. Kaya nagstop na rin ako ulit ng pagaaral eh, para hindi na mahirapan pa si daddy sa kung saan pa pupulot ng pantustos samin ng pangalawa nyang pamilya at sa nakabukod kong bunsong kapatid at nanay ko. Hay basta! Nakakabuset na.

0 notes, February 26, 2012

Isang linggo rin pala akong hindi nag-shomblr, kamusta na ba kayo? Syempre, dito papasok yung pagkekwento ko sa sarili ko sa dumaang linggong hindi ako dumadaldal dito kaya magkekwento ako kahit hindi naman kayo interesado. Ganun talaga.

Kamusta nga ba ako? Heto, tinatamad na ulit pumasok sa eskwelahan. Pagpasok nga ba sa skwelahan ang tawag sa pagtambay at pagyoyosi ko pagkatapos kong makuha ang baon ko mula sa tatay ko at bumyahe ng tatlumpung minuto? Hindi siguro. Pati na rin ang panunuod ko ng sine halos every other day at uminom pagkataposmanggaling sa paaralang pinapasukan ko? Hindi talaga, ano?

Kamusta na ba ko? Magdadalawang buwan na kami ng kasintahan ko bukas. Akalain mo yun, aabot kami ng dalawang buwan kahit hindi pa kami nagjejerjer!? Ganun din talaga siguro. Naisip ko lang, sa mga dumaan kasing relasyon sakin, pagkatapos ng ~making luv~ mawawala na agad yung love. Ewan. Hindi talaga siguro ako masarap, malaki lang bubs ko.

Kamusta na ba ako? Nagsisimula na talagang mapariwara ang buhay ko sa mga natitikman kong kung ano-ano. Hay basta! Hindi maganda. Hindi ko nga maisip kung anong future ko kundi siguro maging taga-laba ng mga damit ng mga magiging anak ko at tigaputak sa lasenggong asawa ko e baka magpakamatay na lang ako bigla. Hindi na rin naman ako maipagmamalaki ng tatay ko sa sitwasyon ko ngayon. Masyado na akong lumalayo sa landas na pinlano nya dati para sakin.

Kamusta na ba ako? Ano pa bang hindi ko naikkwento? Madami pa pero kayo ba, kamusta kayo? Napakadaldal ko pa rin, di ba? Makapagbackread nga muna.

0 notes, February 25, 2012

Minsan mahal kita, minsan hindi. Minsan ayaw kitang umalis sa tabi ko pero madalas ako mismo yung lumalayo sayo. Minsan magulo ako, madalas ganun padin. Pasensya na ha?

Minsan mahal kita, minsan hindi. Minsan ayaw kitang umalis sa tabi ko pero madalas ako mismo yung lumalayo sayo. Minsan magulo ako, madalas ganun padin. Pasensya na ha?

0 notes, February 18, 2012